sa unang tingin agad na nahumaling sa nagniningning mong mga mata
ika’y isang bituwin na nagmula sa langit
hindi ko mawari
ang taglay mong tinatangi
sadya namang, nakakabighani ‘di maipaliwanag ang nararamdaman (ooh)
namumukadkad ang aking ligaya sa tuwing ika’y papalapit na
hawakan mo ang aking kamay
o paraluman
ika’y akin nang dadalhin sa
di mo inaasahang paraiso
palagi kitang aawitan ng kundiman
‘di magsasawa, ‘di ka pababayaan
isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo hoo; hoo hoo)
mga gunita na laging naiisip, sumisilip ang itinakda ng mahiwagang
liwanag na dulot mo
nagbigay-sinag sa madilim kong mundo
na para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan
namumukadkad ang aking ligaya sa tuwing ika’y papalapit na
hawakan mo ang aking kamay
o paraluman
ika’y akin nang dadalhin sa
‘di mo inaasahang paraiso
palagi kitang aawitan ng kundiman
‘di magsasawa, ‘di ka pababayaan
isasayaw kita hanggang sa walang hanggan (hoo hoo, hoo hoo)
himig ng tadhana
sa atin ay tumutugma na
himig ng tadhana
sa atin ay tumutugma na
himig ng tadhana
sa atin ay tumutugma na
(hoo hoo, hoo hoo)
paraluman
ika’y akin nang dadalhin sa
‘di mo inaasahang paraiso
palagi kitang aawitan ng kundiman
‘di magsasawa, ‘di ka pababayaan
isasayaw kita, mamahalin kita hanggang sa walang hanggan (hoo hoo, hoo hoo)